Dahil second choice kay Nora: Vilma Santos, inayawan ang role na Mrs. Aguinaldo

DESIDIDO si Gov. E. R. Ejercito na ilahok ang pelikulang El Presidente sa darating na Metro Manila Film Festival.  Tungkol ito sa buhay ni Gen Emilio Aguinaldo noong panahong naging Republika na ang ating form of goverment.  Mabusisi na mananaliksik ang kanilang gagawin dahil gusto nilang ilahad sa pelikula ang mga dahilan kung bakit naging ‘masama’ ang tingin kay Gen Aguinaldo ng mga tao noong kayang panahon ng pamumuno.

Gusto nila itong ‘hubaran’ sa publiko para tayo mimso ang maghusga kung mabuti ba o masamang pinuno ang ating naging unang pangulo ng republika.

Si Gov ER ang gaganap na bida at napipisil na gumanap bilang ikalawang asawa na matataon sa panahon ng kanyang pagtanda ay Ms Vilma Santos.

Bagay umano sa gobernadora ng Batangas ang nasabing papel at dapat lang na tanggapin niya ito dahil nanggaling si Gen Aguinaldo bayan ng Cavite at Batangas.

Ikinasal si Vi kay Ralph Recto na isang taal na Batangueno at si J.R. naman ay may dugong Batangueno din.  Kaya nararapt daw na taga-Batangas ang gaganap na asawa nito sa nasabing pelikula.

Noong kausap namin si Gov ER ay gagawin pa nila ang paglapit sa gobernadora para ialok ang nasabing proyekto at malaki ang kanilang pag-asa na hindi ito tatanggihan ng aktres.

Kaya lang, gaano katotoo ang pinakahuling balita hindi ito tinanggap ng aktres dahil gusto nito na maging isa sa mga bida ng pelikula at hindi lamang guest role.

May iba bang bersyon na kaya inayawan umano ng Star of All Seasons ay dahil second choice lamang siya dahil ang first choice na gaganap bilang Mrs Aguinaldo ay si Nora Aunor.

May nagsabing imbento lang ito ng mga tagahanga para buhayin muli ang rivalry nina Nora at Vilma.  Ang naging dahilan umano kaya hindi napunta ang papel sa Superstar, hanggang ngayon ay hindi ito nakabalik ng bansa.

May ibang sitsit naman, kaya inayawan umano ito ng Star of All Seasons ay ayaw nitong patandain siya sa pelikula.  Tsk tsk!

BOY INOCENCIO SA ALEGRIA LOUNGE

Tiyak na ikakagulat at ipagpapasalamat ng mga tagasubaybay ni Boy Inocencio na sa wakas ay magkakaroon na rin siya ng album.  Matagal na itong request sa mang-aawit pero ngayon lang ito mapaunlakan dahil may isang Ernie Cruz na handang igawa siya ng album.  Matandaang nagkaroon na siya ng album noong kanyang kapanahunan pero hindi man lang ito umabot sa gold record dahil nagkulang ito sa promotion.

May konting panghinayang lamang si Boy dahil tiyak na hindi aabot sa pag-release ng album sa kanyang gagawing show ngayon March 19, 2011 na may pamagat na ‘Portrait of A Singer Perfomer’ na gaganapin sa Alegria Lounge, Casino Filipino, Fiesta Pavillion Hotel.

Magagaling ang kanyang special guests na sina Malu Barry at Faith Cuneta.  Kasama para magdagdag-kulay ang world class Flamingo dancers na Clara Ramona Dance Company.

Ang ‘Portrait of A singer Performer’ ay mula sa  pakikipagtulungan ng Rotary of Manila South, Rotary Club of San Nicolas and Philippine Society of Mechanical Engineers Quezon City Chapter. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply