Daiichi nuclear plant ilagay sa opis ng DoE

KAHAPON at ngayon, laman ng mga balita ang mga propeta sa Department of Energy.

Ang sabi, sa darating na mga araw, higit na magmamahal ang disel kaysa gasolina.

Wataymen, magkakaroon ng price hike ang disel at maaaring hindi ang gasolina.

Siyempre pa, lalong magwawala ang mga kompanyang langis sa pagpapatong ng dagdag na presyo sa kahit anong produktong petrolyo.

Mismong galing kasi sa bibig ng mga inutil na propeta ang go-signal para magkamal ng limpak-limpak na tubo ang mga kompanyang langis.

oOo

Sa kabilang banda, tahimik na tahimik ang mga hinayupak na propetang ito kung paano nila kokontrahin ang krisis sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sinasabi nila, may mitigating mesyurs umano ang mga ito.

Kung tatanungin mo naman sila kung ano-ano ang mga iyon, halos wala silang maituro.

Meron naman daw diskawnt ang mga kompanyang langis. Nasaan ang mga yan, huh?

Hindi ba alam ng DOE na marami sa mga sinasabing may diskawnt ay may pitik sa metro?

Oo may switik sa metro at dahil dito, hangin na ang laman ng tangke, kulang pa ang disel o gasolina kaya.

Pero para sa dyipni umano ang mga ito.

Eh nasaan ang mga para sa traysikel, taksi, magsasaka, mangingisda at iba pa, huh?

oOo

Para sa atin, hindi na lang inutil kundi salot ang mga nasa DOE.
Inutil dahil wala silang magawa laban sa mga panloloko sa atin ng mga kompanyang langis.

At salot dahil sila pa ang nagtutulak sa mga kompanyang langis para magtaas nang magtaas ng presyo.

Ang maganda siguro ay itayo na lang sa opisina ng DOE ang Daiichi nuclear plant. Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply