Dalaga binoga habang naglalakad sa Kyusi

PATAY agad ang 24-anyos na dalaga makaraang barilin ng hindi nakikilalang salarin habang naglalakad sa madilim na eskinita sa QUezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Liza Gattoc, 24, tubong Cotabato at naninirahan sa Lazi Siquijor.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa Area 5, Interior Masaya St., Brgy. Gulod Novaliches, dakong 10:30 ng gabi nitong Marso 17.

Ayon sa nakasaksi sa krimen na si Minda Delfin,  nanonood umano siya ng telebisyon nang makarinig ng putok ng baril mula sa labas ng bahay at nang kanyang tingnan ay nakita niya ang biktima na nakahandusay na.

Dahil dito, agad niyang ipinabatid ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng pulis na rumesponde sa lugar.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaril. James de Jesus/photo by Mang Canor

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply