Dalaga nalitson sa loob ng bahay

NASAWI ang isang dalaga matapos malitson ng buhay sa loob ng nasusunog na bahay sa Caloocan City Lunes ng madaling araw, Marso 21.

Halos hindi na makilala ang biktiman si Marites Jose, residente ng nasunog na bahay sa 31 ng Maybell subd., Llano ng lungsod nang matapuan ang natustang katawan nito.

Batay sa ulat, dakong alas-dos ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa nasabing bahay.

Dahil gawa sa light material ang bahay ay mabilis na lumaki ang apoy at hindi na nakalabas pa ang biktima.

Inaalam na ng mga bumbero kung ang gamit na gasera ang pinagmulan ng sunog.

Wala namang naiulat na nadamay na bahay sa nasabing sunog. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply