Dalagita 6 na beses niluray ng tiyuhin

NAGSIMULA ang panggagahasa sa dalagitang si “Kasandra” (hindi tunay na pangalan), 14,  ng kanyang sariling tiyuhin noong Enero 3, 2011.

Mula noon hanggang nitong huling linggo ay anim na beses pang naulit ang kahayupang naranasan ng dalagita sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tugatog, Malabon City.

Sa bawat pagkakataon ay itinatapat ng tiyuhin nitong si Omnick Oyus na umalis ang ina ng dalagita.

Ngunit nitong Martes, Marso 8, nagwakas na ang kalbaryo ni Kasandra makaraang magsumbong ito sa pulisya sa tulong ng kanyang mga kamag-anak.

Ngayon ay nakakulong na ang suspek na si na si Oyus, na nahaharap sa kasong rape at child abuse.

Matapos ang pang-anim na panghahalay ay hindi na natiis ni Kasandra ang pambababoy ng tiyuhin kaya’t nagsumbong ang biktima sa kanyang ina.

Ngunit sa halip na pakinggan ay pinagalitan pa siya ng kanyang ina at sinabihang “magbigti ka na lang.”

Kamakalawa ay naglakas-loob ang biktima na magsumbong sa kanyang mga kaanak, na agad namang nakisimpatiya sa kanya ay sinamahan siya sa himpilan ng pulisya upang magsumbong laban kay Oyus. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply