Dalagita nalunod sa talon, dedo

PATAY ang isang 17-anyos na dalagita nang malunod ito habang naliligo sa isang talon sa Tanay, Rizal, Linggo ng hapon, Marso 28.

Ito ay matapos na takasan ng dalagita ang kanyang magulang at nagpilit na humabol sa gimik ng kanyang boyfriend at kaanak.

Kinilala ni Supt. Felipe Abigan, hepe ng Tanay PNP, ang nasawi na si Jonalyn Catipay, 17 anyos, ng Sitio Labasin, Barangay Sampaloc ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-dose ng tanghali ng mangyari ang pagkalunod ng dalagita sa malalim na bahagi ng talon sa Sitio Aguho ng nabanggit na barangay.

Nabatid na nagkayayaan ang boyfriend at kaibigan ng biktima na sina Jun Briones, Amelia Macapagal, Jimmy Rotaero, Joelyn Guerrero at Myrna Tizon na maligo sa nabanggit na talon.

Nabatid na sumunod lang sa talon ang biktima sa mga ito.

Masaya umanong naliligo ang mgakakibigan ngunit nang umahon ang lima sa kanila para kumain at magpahinga ay napansin nilang nawawala ang dalagita kaya’t hinanap nila ito.

Tanging tsinelas na lamang ang nakita nila sa gilid ng talon.

Tama ang suspetasa nilang nalunod ang dalagita at nakita nga nila ito sa malalim na bahagi ng talon na wala nang buhay.

Samantala, hiniling sa awtoridad ng kaanak ng biktima na imbestigahan muna ang limang kasama nito upang matiyak na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng dalagita. Cesar Barquilla

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply