Dalawang gangster utas sa presinto

PATAY ang dalawang miyembro ng  Sputnik at Teardrops Gang matapos mang-agaw ng baril  sa loob ng investigation room ng Manila Police District Station 6 sa Sta. Ana, Maynila, Lunes ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Russel Tacsagon, 18, ng Sta. Ana, Maynila habang idineklarang patay na nang makarating sa Ospital ng Sta. Ana si Jeffrey Camposano,19.

Ayon kay Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, nagtamo ng tama ng bala sa  sentido si Tagcason, habang sa dibdib at tiyan tinamaan si Camposano.

Ayon sa report ni PO3 Efren Flores, dakong 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Investigatiuon Unit ng nasabing istasyon.

Nauna rito, naaresto umano ang dalawa sa may panulukan ng Tejeron at Zamora Sts. sa Sta. Ana, Maynila.

Magkasama umano ang dalawa nang makuumpiskahan si Tacsagon ng isang sachet ng shabu at pen gun. Agad itong dinala sa presinto upang sampahan ng kasong tangkang pagpatay sa isang  Exequiel Brown.

Habang nasa gitna ng komprontasyon sa loob ng investigation room  ay bigla na lamang inagaw ni Tacsagon ang service firearm ng isang pulis.

Nakita umano ni  PO3 Erwin Solanio ang ginawa ni Tacsagon kaya agad nitong pinaputukan ang huli, na tinamaan sa sentido.

Dahil hindi umano tumigil sa pag-atake si Camposano sa pulis ay binaril din ito ni Solanio ng dalawang beses.

Kapwa dinala ang biktima sa Ospital ng Sta. Ana, ngunit ‘di na na nakaabot nang buhay si Camposano.

Nakalagak  ngayon sa morgue ng Ospital ang bangkay ng ni Tacsagon at Camposano, habang hinihintay na kunin ng kanilang mga kamag-anak. Jocelyn Tabangcura- Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply