DAR, Catholic Relief Services nagkasundo para sa mga magsasaka

LUMAGDA sa isang memorandum of agreement ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Catholic Relief Services (CRS)  para tulungan ang farmer-beneficiaries na mapalago ang kanilang kita mula sa mga produktong kanilang sinasaka sa mga pataniman sa bansa.

Ayon kay Jerry Pacturan, undersecretary for support services ng DAR na malaki ang pag-asa na ang kasunduang ito ng ahensiya sa CRS ang magbibigay daan para mawala na ang mga tiwaling negosyante na bumibili ng mga inaning produkto ng mga magsasaka sa mababang halaga lamang.

“This is a great opportunity for our farmer-beneficiaries because it will allow them to deal directly with buyers of their products without going through the so-called third party,” pahayag ni  Pacturan.

Aniya, upang matiyak na matutulungan ng programa ang kalagayan ng mga magsasaka, magtatalaga ang ahensiya ng mga tauhan na magsasanay sa agro enterprise development at management na gagabay o aasiste sa mga magsasaka sa anumang transaksiyon na kanilang papasukin.

Ang nasabing proyekto, ayon kay Pacturan ay unang ipatutupad sa agrarian reform communities sa  Malaybalay City at Impasugong sa Cebu at sa mga bayan ng Sumilao sa Bukidnon. Ang magbebenepisyo dito ay ang may 300 pamilyang magsasaka.  Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply