Dating guro ninakawan, pinatay ng kasambahay

ISANG kasambahay at mga kasabwat nito ang tinutugis ngayon ng kapulisan ng Antipolo City PNP dahil sa pagnanakaw at pagpatay sa isang retiradong guro.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gloria Aguilar, 70, retiradong guro at residente ng 23 Bernadette St., Maries Village, Phase 2, Barangay Mayamot, ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat, dakong ika-11 ng gabi nang matuklasan ng mga rumespondeng pulis at security guard ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito.

Ayon kay Fidel, asawa ng biktima, ilang beses niyang tinatawagan sa cell phone ang biktima subalit hindi ito sumasagot.

Dahil dito, humingi ng tulong si Fidel sa security guard ng subdivision na siyang tumawag sa  pulisya.

Tumambad sa mga rumespondeng awtoridad ang duguang bangkay ng ginang.

Nabatid ding bukas ang safety vault ng mag-asawa at nawawala ang tinatayang mahigit P1-milyon salapi at mga alahas.

Inaalam pa kung may inside job sa naturang insidente dahil nawawala rin ang kasambahay ng pamilya. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply