Davao niyanig ng lindol

NIYANIG ng 4.5 magnitude na lindol ang Davao nitong Martes ng madaling-araw, Marso 1, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs dakong 2:01 a.m. kahapon nang yanigin ng lindol ang naturang lugar.

Ang lindol ay tectonic ang origin kung saan ang epicenter nito ay nasa 40 kilometro ng timog-silangan ng Mati, Davao Oriental.

Ayon pa sa Phivolcs, wala namang naapektuhan ang naturang lindol at wala ring aftershocks na naganap. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply