David nanawagan na suportahan ang kapalit

NANAWAGAN si outgoing AFP chief of staff Gen. Ricardo David sa lahat ng mga sundalo na suportahan ang papalit sa kanyang puwesto.

Ginawa ni David ang panawagan kasunod ng pagkakatalaga ng Malakanyang kay AFP deputy chief of staff Lt. Gen. Eduardo Oban bilang bagong pinuno ng AFP kasabay ng graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Batch 2011 sa Baguio City Linggo ng umaga, Marso 6.

Sa kaniyang talumpati sa PMA graduation, sinabi ng Pangulo na malaki ang tiwala niya sa kakayahan ni Oban na ipagpatuloy ang mga repormang sinimulan ni David at mas paigtingin ang mga programang pangkapayapaan ng AFP.

Kaugnay nito ipinaabot ni David sa mga sundalo na suportahan si Oban tungo sa pagkakaisa sa hanay ng military. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply