Dawn Zulueta hindi feel makasama si Greta

NAKIUSAP si Dawn Zulueta sa press na huwag bigyan ng malisya ang mga papuri niya sa ABS CBN. Huwag daw palabasin na masama ang loob niya sa dating network, ang GMA 7.

Nasabi ni Dawn sa isang interview ang matinding paghanga sa Kapamilya Network.

Sabi ni Dawn, technically ay maganda raw magtrabaho sa Dos dahil high tech ang mga equipment tulad ng ilaw at camera. Kakaiba daw ang dating ng teleserye ng Dos. Gumaganda rin daw ang mga artista ng Dos dahil sa makabagong ilaw na ginagamit sa taping.

Pero matapos niyang purihin ang Dos ay bigla niyang  napagtanto na baka pagsimulan ng intriga yun sa kanila ng GMA 7. Baka raw isipin ng iba na kaya niya puring-puri ang Dos ay dahil hindi siya nasiyahan sa pagtatrabaho sa Kapuso Network.

Kaya naging maagap si Dawn at nakiusap sa mga entertainment press na huwag bigyan ng malisya ang kanyang mga sinabi Wala raw siyang sama ng loob sa GMA 7.

Anyway, sinabi ni Dawn na mas at home siya sa Dos dahil nandoon pa rin ang mga taong naging bahagi ng kanyang career, tulad nina Johnny Manahan at Charo Santos Concio.

Dalawang taon ang pinirmahan kontrata ni Dawn sa Dos at dalawang show ang nakatakda rin niyang gagawin sa network.

Samantalang, no comment si Dawn sa tanong kung puwede pa ba silang magsama sa isang project ni Gretchen Barretto. Wala raw siyang maibigay na sagot dahil pinipili raw niya ang mga project na ginagawa.

Pero sa pagkakaalam raw ni Dawn ay wala raw problema sa kanila ni Gretchen. Hindi nga lang daw sila nakakapag-usap pa nang masinsinan.

Ayaw magbigay ng reaction ni Jomari Yllana sa balitang diumano ay masama ang loob sa kanya ng ama ni Ronald Singson na si Chavit Singson dahil tipong iniwan na raw ni Jom at ng ibang mga kaibigan si Ronald magmula nang mahuli sa Hongkong ng pinagbabawal na gamot.

**************

Iniintindi na lang daw ni Jom ang nararamdaman ng pamilya ni Ronald, lalo na ang ama nitong si Chavit.

“Yes, respeto. From the beginning, mula nang makilala ko sila, respeto lang para sa kanila.”

Sa tanong kung anong nararamdaman niya na damay siya sa isyung kinasangkutan ni Ronald?

“Siguro, iba-iba yung stages. Pero siyempre, nagkaroon na ng desisyon (ang hukuman). So, sa akin, I see the light at the end of the tunnel.

“At isa ako sa magiging pinakamasayang tao sa buong mundo kapag nakita ko siya na nandito na at makakaharap ko.”

Pagkatapos ng lahat ng pinagdadaanan ngayon ni Ronald. Sa palagay ba niya (Jom) makakabalik ang Fearless Production ni Ronald at hindi ito makakaapekto.

“Actually, sa totoo lang yung negosyo is the last of my priorities. I would rather have my friend back more than the negosyo.

“More than the concerts, more than any show. I would rather have my friend happy back home,” pahayag ni Jom.

*************

Puspusan na ang paghahanda ng GMA 7 sa bagong project nito para sa GMA Telebabad, ang danseryeng tatampukan ni Mark Herras.

Kaugnay sa danseryeng ito, inilunsad ang dance search na Jump In na open sa dance group na binubuo ng mga kabataan may talent sa pagsasayaw edad mula 16-21.

Nagkaroon na ng audition sa Baguio at Cebu at mayroon pa sa Davao on April 1.

Sa mga interesadong sumali, ang first 100 applicant (50 boys & 50 girls) lang ang ia-accommodate sa audition.

Dalhin ang sariling music na gagamitin sa audition. Gerry Ocampo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply