Dayaan sa taunang NAT ng DepEd iimbestigahan

HINILING ng kinatawan ng ACT Teachers party-list  group sa Kamara de Representantes na magsagawa ng congressional  investigation  ukol sa  umano’y talamak na dayaan sa taunang National Achievement Test (NAT) na isinasagawa ng  Department of  Education  (DepEd).

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Rep. Antonio  Tinio nitong Huwebes, Marso 17, dapat silipin ang patuloy na mga ulat na may dayaang nangyayari sa NAT.

Ang NAT  ay  ibinibigay na  pagsusulit ng DepEd  sa lahat ng  Grade 3 at  Grade  6 bawat  taon bilang  achievement  test  sa  English, Filipino, Science, Math at  social studies.

Ang  Regional Achievement  Test  (RAT)  ay  ibinibigay  ding pagsusulit  sa  antas ng mga rehiyon.

Ayon  kay Tinio, bagama’t  mahirap  patunayan ang alegasyon, sa pagkakataong  ito aniya  ay may tatayong  testigo  sa  mga naganap na dayaan sa  NAT .

Kinilala ng kongresista ang tatayong whistle-blower na si  Dr. Gracia Malazarte, head teacher  ng  Lico-an Elementary School  sa  Barotac Nuevo, Iloilo City.

Si Malazarte ay nagsabing may malawakang naganap na dayaan sa kanyang school district sa  ginanap na  NAT noong  nakaraang  taon at  RAT noong nakaraang  buwan.

Ayon kay  Malazarte, si District  Suprevisor Julio Villanueva ang siyang nagbigay sa Grade 6 teacher ng  Lico-an Elementary School ng kopya ng test question kaasama ang mga answer key isang araw bago isagawa ang RAT noong February 16.

Pinabulaanan naman nina Villanueva at Iloilo Schools Division Superintendent Raymond Lapating ang nasabing alegasyon.

“We commend Dr. Malazarte for having the courage to come out  with her tetimony. We are aware that  it is extremely difficult  to do so given  the pressure  to keep silent  that may be coming from her superiors as well as her peers,” ani  Tinio.

Sa isa pang insidente, ayon pa kay Tinio, mismong ang mga opisyales at guro ng Mangaldan Central School sa Mangaldan, Pangasinan, ay umano’y may nahuling may ipinapaikot na kopya ng mga test question bago ang linggong maganap ang  NAT para sa Grade 6 students noong Lunes, Marso 14.

Iginiit ng solon na panahon na upang magsagawa ng pag-aaral hinggil sa mga NAT at RAT na ipinapatupad ng  DepEd nang sa gayun ay malaman kung gaano ito kaimportante ito upang makita ang tunay na kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ang nagaganap aniyang pandaraya sa NAT at RAT ay dapat itong iwasto at tuldukan ang maling gawaing kutsabahan sa  DepEd. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply