De Lima hands off sa Ortega slay case

TINIYAK ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi siya makikialam sa kaso ng pamamaslang sa broadcaster na si Gerry Ortega na ngayon ay dinidinig sa kagawaran.

Ayon kay de Lima , ito ay dahil sa dati niyang kliyente ang pangunahing inaakusahang utak sa krimen na si dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Bilang delikadesa, sa oras na iakyat sa secretary of justice ang kaso ay ipapasa niya ito sa isa sa kanyang mga undersecretary para sa kaukulang review upang matukoy kung iaakyat ba sa korte ang kaso o hindi.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihiim na inatasan na niya ang panel sa pangunguna ni Senior state prosecutor Edwin Dayug na madaliin ang pagdedesisyon sa kaso.

Hihingan din aniya nito ng paliwanag ang panel kung bakit isinara sa media ang pagdinig sa kaso ng pamamaslang kay Ortega. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply