De Lima inalmahan ni Alfredo Lim

IDINEPENSA ni Manila Mayor Alfredo Lim ang kanyang “shoot to kill order” laban sa limang pulis Maynila, matapos punahin ni Justice Secretary Leila de Lima Biyernes ng umaga, Marso 18.

“I don’t think it is violation of Human Rights,” ayon kay Lim.

Nilinaw ng alkalde na sinabi niya na ipatutupad lamang ang shoot to kill, kung manlalaban ang mga aarestuhin ng awtoridad.

“Siyempre may mga baril din iyan, e kung paputukan yong mga aarestong awtoridad, ‘yung shoot to kill e kung lalaban at mamimiligro ang buhay ng tao,” paliwanag pa ng alkalde.

Nang hingan ng reaksiyon hinggil sa sinabi ni de Lima na ang kanyang order ay parang “Wild Wild West” na ipinatupad noong American Era kung saan ang cowboys ang nagtatakda ng batas ay isang malutong na “no comment” ang sagot ng alkalde.

Una nang sinabi ni de Lima  na paglabag sa karapatang pantao ang shoot to kill order ng alkalde laban sa limang pulis na sabit sa nawawalang ranson money ng dinukot na Malaysian national. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply