Death toll sa Japan quake lumobo sa 1,900, tataas pa

TUMAAS na sa 1,900 ang kumpirmadong patay dahil sa tumamang magnitude 8.9 na lindol na sinundan ng tsunami sa Japan, Biyernes ng hapon, Marso 11.

Ayon sa NHK World, 758 dito ay kumpirmadong taga-Miyagi Prefecture.

Ang coastal town ng Onagawa ay mayroong populasyong 10,000 at ang mahigit sa 5,000 ay nasa 18 na evacuation center ngayon. Ayon sa munisipal disaster headquarters, ang natitirang kalahati ng 10,000 ay hindi matukoy kung nasaan ang mga ito.

Sa bayan ng Minamisanriku, nabatid na halos karamihan ng mga bahay ay hindi yari sa kongkreto dahilan para tangayin at anudin ng tsunami ang mga ito.

Ayon sa prefecture, natagpuan ang 1,000 mga labi at kasalukuyang nawawala rin ang kalahati ng populasyon nitong 10,000.

Inamin ng awtoridad na inaasahan na aabot sa 10,000 ang patay sa Miyagi Prefecture.

Ang Iwate Prefecture ay nagkumpirmang mayroon ng silang 627 patay at ang Fukushima Prefecture ay may 431 patay.

Sa kabuuan, nasa  1,898  na ang kumpirmadong patay at ang pinakasinalanta na Tohoku region ay may nawawala pang mga tao na nasa halos 15,000. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply