Death toll sa Japan quake, tsunami 388 na

TUMAAS na sa 388 katao ang naitalang namatay, habang 700 iba pa ang nawawala sa iba’t ibang parte ng Japan na tinamaan ng lindol at tsunami Biyernes ng hapon, Marso 11.

Nabatid sa Japanese authorities na may 200 hanggang 300 pang bangkay na natagpuan sa Miyagi Perfecture na hindi pa nakikilala, pinaniniwalaang namatay sa tsunami.

Patuloy ang paglaki ng sunog sa Miyagi Prefecture ayon sa  Japan Self Defense Forces.

Samantala, kinumpirma rin ni Philippine Consul General to Japan na si  Sulpicio Confiado na wala pang Filipino ang naiulat na nasawi sa nasabing trahedya.

Patuloy ang natatanggap na tawag ng embahada ng Pilipinas sa Japan sa mga kaanak ng Filipino doon upang alamin ang kanilang kalagayan dahil na rin sa magkasunod na lindol na tumama sa Japan nitong Miyerkules at Biyernes na sinundan pa ng tsunami ilang minuto lang matapos tumama ang magnitude 8.9 na lindol.

Ayon din kay Confiado, maraming Pinoy na ang nakontak nila at nabatid na nasa maayos namang kalagayan.

Kaugnay nito, nakikipagtulungan na ang embahada ng Pilipinas sa Filipino community sa Japan para mapadali ang pagkuha ng impormasyon kaugnay sa kalagayan ng iba pang mga kababayan na maaaring nabiktima ng kalamidad.

Narito ang mga numerong inihanda ng embahada ng Pilipinas sa Japan para sa mga may kaanak sa Japan: 0081-3-5562-1570, 0081-3-5562-1577, at 0081-3-5562-1590. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply