Death toll sa Japan quake, tsunami 5,700 na

KUMPIRMADONG 5,692 na ang patay sa Japan nang tamaan ng magnitude 8.9 na lindol na sinundan ng tsunami noong Marso 11.

Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang nawawalang 9,506 katao. Ito ay base lamang sa nakarehistro sa kanila at anila, maaari pang higit pa dito ang mga nawawala.

Umabot na sa 3,158  ang patay sa Miyagi Prefecture samantalang 2,157 ang missing. Sa Iwate Prefecture ay may 1,905 patay at 3,853 ang nawawala.

Sa Fukushima Prefecture ay nasa 574 na ang patay at mahigit sa 3,491 ang missing. Sa rehiyon ng Kanto  ay may 12 namatay kasama pa ang 19 sa Ibaraki at pito sa Tokyo.

Nananatili naman ang mahigit 305,000 mamamayan ng Japan sa 2,260 evacuation centers.

Samantala, umusok na naman ang No. 2 reactor ng Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Nabatid na muling sumabog ang nasabing reactor na posibleng ikinasira ng chamber.

Ayon naman sa mga manggagawa ng planta, inaayos na ang kable ng kuryente patungo sa planta samantalang ang Japanese military ay muling mag-i-spray ng tubig sa planta upang lumamig ito. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply