Death toll sa Japan quake, tsunami 6,911 na

UMABOT na sa 6,911 ang namatay sa magkasunod na magnitude 8.9 na lindol at tsunami na tumama sa  northern Japan noong Marso 11.

Ang nasabing death toll ay nalampasan na ang bilang ng mga nasawi sa 1995 Great Hanshin earthquake, ang sinasabing Japan’s worst natural disaster noong post-war period na ikinamatay ng 6,434

Nasa 10,300 naman ang nanatiling missing.

Ayon pa sa awtoridad, maaaring mas marami pa ang bilang ng mga nawawala dahil marami pa ang hindi nairereport.

Ang mga bilang ng nasawi sa Miyagi Prefecture ay 4,030, 2,214 ang nawawala. Sa Iwate Prefecture, patay ang 2,223 katao at 4,253 ang nawawala. Nasa 602 naman ang patay sa Fukushima Prefecture at missing ang 3,844. NHK

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply