Death toll sa Japan tumaas na sa 2,500

UMABOT na sa 2,500 ang kumpirmadong patay sa monster quake na tumama sa Japan noong Marso 11.

Ang magnitude 8.9 na lindol na nasundan ng dambuhalang tsunami ay dahilan ng pagkawasak ng ilang bahagi ng northeastern Japan, ikinamatay ng maraming mamamayan at pagkawala ng halos 17, 000 iba pa.

Sa Miyagi Prefecture ay kumpirmadong 1,254 na ang patay at natagpuan pa ang marami pang bangkay sa baybayin.

Sa Onagawa ay nawawala pa rin ang kalahati ng populasyon na aabot sa 10,000.

Ayon naman sa awtoridad sa Miyagi, 100 bangkay ang natagpuan sa ilang karagatan sa Oshika Peninsula kung saan nandoon ang Onagawa at ang lungsod ng Ishinomaki.

Kung susumahin ito ayon sa isang senior police official doon pa lang ay may 1,000 bangkay na ang nakita nila.

Natagpuan din ang may 1,000 katawan sa baybayin ng Minami-sanriku, isa sa lubhang napinsala ng tsunami. Ang kalahati rin ng populasyon nito na 10,000 ay hindi pa matagpuan.

Ayon sa awtoridad, sa prefecture lamang na ito ay  maaaring lumagpas pa sa 10,000 ang patay.

Kumpirmado namang may 675 patay sa Iwate Prefecture.

Sa Rikuzen-takata, naiulat na may 300-400 ang patay dahil karamihan ng mga gusali dito ay tinangay ng tsunami.

Sa Fukushima Prefecture kung saan matatagpuan ang nuclear power plant ay nakumpirma ring may 492 patay, habang sa bayan ng Namie ay 900 ang nawawala.

Sa iba pang bahagi ng northeastern Japan, 3 ang kumpirmadong patay sa Aomori Prefecture, isa sa Yamagata Prefecture at isa sa lungsod ng Hakodate sa  Hokkaido.

Labing-siyam naman ang patay sa Ibaraki Prefecture, 16 sa Chiba Prefecture, 7 sa Tokyo, 4 sa  Tochigi Prefecture, 3 sa Kanagawa Prefecture at isa sa Gunma Prefecture. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply