Death toll sa Japan umakyat na sa 10,872

PATULOY na tumataas ang bilang ng mga nasawi dahil sa malagim na trahedyang tumama sa Japan noong Marso 11. Umabot na sa 10,872 ang namatay at mahigit 16,000 katao pa ang nawawala.

Kimumpirma ng National Police Agency ng Japan na umabot na sa 6,627 ang namamatay sa Miyagi Prefecture, na sinasabing lumagpas na sa bilang ng mga nasawi noong 1995 Great Hanshin Earthquake na kumitil sa 6,434 katao. Ito din ang lugar kung saan pinakamataas ang bilang ng mga nasawi.

Sa Iwate Prefecture ay kumpirmado ng patay ang 3,213 katao habang sa Fukushima ay 974.

Na-identify na ang 8,030 bangkay at karamihan sa mga ito ay naibigay na sa kanilang mga kaanak.

Inamin pa ng mga awtoridad na posibleng mas lalong tumaas pa ang bilang ng mga namatay.

Samantala, muli na naman niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Japan kaninang umaga, Marso 28. Ang sentro ng naturang lindol ay ang Miyagi Prefecture.

Dahil dito, nagpalabas kaninang umaga ang Japan Meteorological Agency ng tsunami evacuation advisory para sa mga coastal areas ng nasabing prefecture subalit agad ding binawi ito. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply