Death toll sa tsunami sa Japan patuloy sa pagtaas

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng naitatalang namatay sa 8.9 lindol at tsunami na tumama sa Japan kahapon.

Nauna nang nakapagtala ang awtoridad ng 1000 kataong nasawi sa Sendai at Miyagi, samantalang 700 katao naman ang nawawala sa iba pang lugar sa Japan.

Sa pagtaya ng awtoridad, 200 hanggang 300 bangkay pa ang hindi nakikilala na natagpuan sa Miyagi Prefecture at pinaniniwalaang namatay dahil sa tsunami.

samantala, ayon sa Japan Self Defense Forces, patuloy na lumalaki ang sunog sa Miyagi prefecture, marami na ring kabahayan at apartments ang naabo.

Ikinagalak naman ni Philippine Consul General to Japan Sulpicio Confiado, dahil hanggang ngayon ay wala pa silang nakukumpirmang may Pinoy na nabiktima ng kalamidad.

Marami na rin umano silang na-contact na Pinoy at nasa mabuting kalagayan ang mga ito.

Nakikipag-ugnayan na rin ang embahada ng Filipino community para makatulong sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay ng kalagayan ng mga kababayan na maaring nabiktima ng trahedya.

Para sa mga kamag-anak na nais kumontak nang direkta sa embahada ng Pilipinas sa Japan para makipag-ugnayan sa mga kaanak ay maaari lamang tumawag sa mga numerong 0081-3-5562-1570, 0081-3-5562-1577, at 0081-3-5562-1590. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply