Deborah Sun inisnab ni Maja Salvador

INISNAB ni Maja Salvador ang kamag-anak na si Deborah Sun nang magkita sila sa isang event.

Hindi alam ni Maja na isang Salvador din si Deborah na kapatid ni Philip Salvador at nang ama ni Maja. In short, Tita niya si Deborah.

“Hindi ko pa kasi nakikilala ang lahat ng Salvador. Kung nagkasama man kami sa isang event, sorry po kung hindi ko nakilala. Kasi hindi ko pa siya nakikilala talaga,” paliwanag ni Maja.

Wala rin matandaan si Maja na kasama niya sa family gathering si Deborah kaya hindi raw niya talaga kilala ang former sexy actress.

“Sorry po kung nagsama tayo sa isang event or gathering man lang na hindi ko kayo nakilala or napansin,” paghingi ng paumanhin ng young actress.

BINATIKOS NA ENGLISH NI MANNY PACQUIAO, IPINAGTANGGOL NI CRISTY FERMIN

Hindi na aalisin ni Manny Pacquiao ang Twitter account at sa halip ay tatanggalin or di na lang papansin ang mga bumabatikos sa mali-maling English grammar at spelling na ginamit niya sa kanyang twitter account.

Ayon sa Pambansang Kamao nang makatsikahan namin sa taping ng Show Me Da Manny, hindi siya napipikon sa mga bumabatikos sa kanya. Naiintindihan niya na natural lang daw ang ganoon kaya dinededma na lang niya.

Sabi naman ni Cristy Fermin: “Pilipino si Manny Pacquiao, gintong yaman ng ating bayan, nananalaytaysa sa kanyang mga ugat ang pagiging tunay na Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa, ayon sa minememorya nating Panatang Makabayan.

“Magkamali man sa pag-iingles si Pacman ay kauna-unawa yun, kung mga Amerikano nga ay nagkakamali sa sarili nilang wika, si Pacman pa ba naman ang magiging kahiya-hiya sa kanyang wasak na paggamit ng lengguwahe ni Uncle Sam.(Korek, dahil maraming Amerikano ang mali-mali ang grammar,dinadaan sa pa-slang-slang—Ed)

“Ang nakakahiya ay kung hindi marunong magsalita at umintindi ng Pilipino si Pacman, ang dapat niyang ikahiya ay kung hindi siya marunong magsalita ng kanilang dialect sa GenSan dahil doon siya isinilang at lumaki.”

Samantalang natural lang na may bumatikos sa isang tulad ni Pacman dahil una ay sikat na sikat siya at marami ang naiinggit sa tinatamasa nitong tagumpay.

Pansinin ninyo, lahat ng gumamit, naninira at bumabatikos ay Pacman ay nakikilala at napag-uusapan.

Tulad nitong isang negro na singer ba o rapper na sumasawsaw din sa kasikatan ni Pacman na halata naman kakampi ng kampo ni Mayweather.

********

Speaking of Cristy Fermin, ikinagulat niya ang tsika sa kanya ni Arci Munoz sa Paparazzi last Sunday.

Ayon sa seksi at ilo-launch sa full stardom ng TV5 na si Arci kay Cristy, may nagtext daw sa actress na nanghihingi ng load.

Maging si Arci ay hindi makapaniwala na manghihingi ng load si Cristy sa kanya. Ang pangalan kasi na ginamit nang nagtext na humihingi ng load ay Cristy.

Natawa at natural na ikinagulat ni Cristy ang naturang text kay Arci dahil una ay naka-line si Cristy kaya paano siya manghihingi ng load.

“Naka-line ako. Paano ako manghihingi ng load? Saka, bakit naman ako manghihingi? Paki-clear naman,’ say ni Cristy.

Sa mga nabiktima na rin ng mga damuhong manloloko na biglang may magte-text sa cellphone ninyo na nanghihingi ng load, barahin ninyo kaagad.

Madalas yan nangyayari ngayon. Ang iba pa nga diskarte ng mga damuhong yan ay magte-text at sasabihin kamag-anak siya at nasa isang lugar na kailangan tumawag pero wala na siyang load kaya magpapa-load para makausap kayo.

Huwag magpapaloko! Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply