Deliberasyon sa RH bill sinimulan na

SA KABILA ng mga pagtatangkang maharang ang kontrobersyal na reproductive health bill ay natuloy na rin ang sponsorship ng apat na kongresista.

Unang nag-endorso sa RH bill si Biliran Rep. Rogelio Espina, chairman ng House Committee on Population and Family relations at sinundan nina Minority Leader Edcel Lagman, Akbayan Rep. Arlene Bag-ao at Gabriela Rep. Luz Ilagan.

Nagkasundo ang mga mambabatas na matapos ang sponsorship speech ay bukas ng hapon isusunod ang anumang debate at interpolasyon.

Sa kaniyang talumpati ay nilinaw ni Lagman na ang “RH bill is rights-based, and central to the measure is freedom of informed choice.  Consistent with freedom of choice, this bill has no specific demographic targets.”

Nang sundan ito ni Bag-ao ay binigyang diin niya na “hindi pa man nagsisimula ang debate ay agad-agad ka ng ikinakahon. Pro-life ka, anti ako. Immoral ka, pro-God ako. Sila ang pro-choice, kayo ang anti-women. Iyong pro-RH ay evil, iyong anti, sila ang tunay na katoliko. Subalit sa panahon ngayon ang may karapatang sumigaw ay iyong mga ordinaryong Pilipino na matagal ng may posisyon sa isyung ito.”

Binigyang diin pa ni Bag-ao na kahit anumang relihiyon ang kinabibilangan mo ay kailangang magkaisa upang ang bawat pamilya ay mabigyan ng pagkakataon na magplano ng pamilya anuman ang kanilang paniniwala.

Kaalinsabay ng mga talumpati sa plenary ay nagsagawa ng maiksing programa ang mga pro-RH supporters sa labas ng gate ng Batasan complex.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply