Deregulation, lisensya ng oil companies para samantalahin ang krisis sa Middle East

OIL deregulation ang dahilan kaya napagsasamantalahan ng mga kumpanya ng langis ang mga mananakay, ito ang pahayag kahapon ng isang militanteng grupo.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Luz Ilagan, nakakatakot na ngayong may problemang politikal sa Middle East, baka magsamantala na naman ang mga oil companies.

Aniya, kaya nga muli siyang nananawagang ibasura na ang deregulation law.

Matatanfaang kahapo, P2 na naman ang itinaas ng presyo ng langis.

May nakaamba pang muling pagtataas sa susunod na linggo kaya umaangal na pati ang mga driver ng pampasaherong sasakyan.

Ani Ilagan, walang kunsensya ang mga oil companies.

Itinataas na umano nila ang presyo gayong ang kalakhan ng mga binebenta nila ngayon ay nabili pa nila noong nakaraang buwan sa mas mababang halaga.

Aniya, sa loob ng 13 taon ay walang ngipin ang gobyerno para sawatain ang kasibaan ng mga oil companies dahil sa oil deregulation law.

Matatandaang nagsumite sina Ilagan at kapwa Gabriela Women’s Party Rep. Emmi De Jesus ng House Resolution 880 na naglalayong imbestigahan ang price monitoring at regulatory system na ipinatutupad ng  Department of Energy.

Samantala, nagbabala naman si DoE Sec, Jose Almendras sa mga oil companies na huwag samantalahin ang krisis sa Middle East.

Aniya, dapat manatili ang dating presyo kahit man lamang sa loob ng 15 days dahil hindi pa nauubos ang kanilang reserba.

Sa LPG naman, dapat umano ay pitong araw pa bago tumaas ang presyo nito. Nenet L. Villafania

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply