Desisyon sa 3 state witness pinamamadali ni Andal Jr.

IHINIRIT muli ni Maguindanao massacre principal suspect Andal Ampatuan, Jr. Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221 na maglabas na kaagad ng desisyon ukol sa kanyang kahilingan na mapigilan ang prosekusyon na gamitin ang tatlong kasama niyang akusado bilang state witnesses.

“Accused Andal Ampatuan Jr., by counsel, respectfully requests for the immediate resolution of his opposition to application for conversion of accused (Rainier) Ebus, (Rex) Diongon, and Mohamad Sangki as state witnesses,” pahayag ng panig ni Andal Jr. sa inihaing mosyon sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Sigfrid Fortun.

Isinumite ang naturang mosyon sa sala ni QC-RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes noong Pebrero 28, 2011.

Matatandaan na nauna nang binuksan ni Fortun ang isyung ito sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso noong Pebrero 3, 2011.

Maliban sa nasabing mosyon ay hiniling din ni Fortun sa korte na maglabas na rin ng desisyon sa kanilang motion for clarificatory order na ipinasa noong Enero 31, 2011, at motion to expunge na isinumite naman noong Enero 12, 2011.

Ipinunto ni Andal Jr. na ang paglalabas ng resolusyon sa kanyang mosyon ang magbibigay-daan para sa presentasyon ng mga ebidensiyang susuporta sa kanyang aplikasyon na makapagpiyansa. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply