DFA blangko pa sa Pinoys sa Japan

WALA pa ring matukoy o makuhang ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Pinoy workers na nadamay sa naranasang tsunami likha ng 8.9 magnitude na lindod sa Japan.

Aminado ang pamunuan ng DFA na nahihirapan silang makuha ng impormasyon dahil walang komunikasyon sa naturang lugar maliban sa internet.

Patuloy pa rin ang pangangapa ng DFA sa mga nawawalang Pinoy habang nakikipag-ugnayan umano sila sa embahada ng Japan at konsulado pati na sa pamahalaan ng Japan.

Nananawagan naman ang Philippine embassy sa mga Pinoy na nasa Japan na magbigay ng ulat sa kalagayan ng mga Pinoy na naapetukahan ng kalamidad.

Samantala, pinangangambahan naman ngayon ay posibleng pagtagas ng kemikal mula sa power plant na naabot ng tubig dala ng tsunami. Johnny F. Arasga

50 kotse donasyon ng Japan sa PNR
loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply