DFA ingat sa pagbibigay komento sa 3 bibitaying Pinoy

MAINGAT sa pagbibigay ng komento si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alberto del Rosario kaugnay sa tatlong Pilipino na nakatakdang bitayin anumang oras ngayon.

Batay sa maigsing pahayag ni del Rosario, kanya umanong nirerespeto ang ipinaiiral na batas sa China lalo at ginawa na umano nila ang lahat ng pamamaraan na nauwi nga sa pagkabinbin pansamantala sa hatol na bitay sa tatlong Pinoy.

Tahasang sinabi ni del Rosario na ayaw na niyang magbigay ng komento patungkol sa issue dahil sa ngayon ay pinal na ang desisyon ng China Court.

“Respetuhin natin ang implemention ng batas sa China yun ang desisyon nila kaya wala tayong magagawa, yun ang batas nila kaya dapat nating respetuhin,” pahayag ni Del Rosario.

Batay sa ulat, ano mang oras mula ngayon ay bibitayin na ang tatlong Pinoy na hinatulan ng korte sa China ng kamatayan matapos mapatunayang guilty sa pagdadala ng iligal na droga.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Lui Jianchao, tiniyak ng Supreme People’s Court na bibitayin na sina Sally Ordinario-Villanueva, 32, Ramon Credo, 42 at Elezabeth Batain, 38.

Kaugnay ng balita, mariin pa ring itinatanggi ni Villanueva na hindi niya alam na ang bag na ipinadala sa kanya ng employment agency noong 2008 ay naglalaman ng 4,110 gramo ng heroin, pero hindi kinatigan ng korte.

Hinatulan din ng bitay si Credo matapos makuha sa kanya ang 4,113 gramo ng heroin noong Disyembre 28, 2008 sa Xiamen at nakuha naman kay Batain noong Mayo 24, 2008 ang 6,800 gramo ng shabu sa Shenzhen.

Samantala sinabi ni Del Rosario na wala pang inilalabas ang korte kung kailan ang itinakdang pagbitay sa tatlong Pinoy. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply