DFA officials pinagpapaliwanag sa pang-iiwan sa OFWs

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aaksyunan nito  ang reklamo ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa ilang opisyal ng pamahalaan na nang-iwan sa kanila sa Libya o sasampahan ng administrative measure.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Atty. Ed Malaya na nabatid ang nasabing reklamo laban sa naging asal ng ilang opisyal ng Philippine Embassy sa ginanap na congressional hearing.

Tiniyak ni Malaya na pagpapaliwanagin ang mga inirereklamong opisyal pagkatapos ng isinasagang imbestigasyon ng DFA kaugnaya sa pangyayari.

Nabatid na sa gitna ng dinaranas na krisis ng OFWs sa Libya at pagkukumahog na makalikas pabalik ng bansa, iniwan sila ng ilang opisyal ng pamahalaan sa gitna ng disyerto sa nasabing bansa na walang pagkain at inumin sa loob ng apat na araw.

Sinabihan lamang umano sila ng nasabing mga opisyal na magdasal na lamang dahil wala na silang magagawa. Linda Bohol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply