DFA sa PAL, Cebu Pac: Tumulong sa repatriation ng OFWs sa Japan

UMAAPELA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific para magbigay ng diskuwento o libreng pamasahe sa mga Filipino sa Japan na gustong umuwi ng Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ed Malaya, ang hakbang na ito ay makatutulong ng malaki sa gastusin ng pamahalaan para sa paglilikas ng mga Filipino sa Japan.

“Malaki talaga ang maitutulong sakaling ang mga airlines na ito ay magbibigay ng diskuwento o libreng flights para sa mga Pinoy na gustong makabalik sa bansa,” pahayag ni Maglaya.

Inihalimabawa rin ni Malaya ang mga bansang China, United States, Australia at Europe na nagkaloob ng libreng flight sa kanilang mga mamamayan na inililikas sa bansang Japan para takasan ang nuclear crisis doon.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nasa alart level 2 status sa Japan, nangangahulugan lamang ng voluntary repatriation ng mga Filipino doon at babalikatin ng gobyerno ang gastusin sa pamasahe ng mga boluntaryong uuwi ng Pilipinas.

Sakaling ipatutupad ang mandatory repatriation, ang Pilipinas ay kailangang ilikas ang tinatayang 30, 000 Filipino palabas ng Japan. At ito ay sagutin ng pamahalaan.

Nasa 140 Filipinos ang inilikas ng Philippine embassy workers mula sa Fukushima, at ang mga ito ay kasalukuyang nasa relocation site sa Tokyo.

Matatandaan nitong nakaraang linggo, ang PAL ay nag-anunsyo na ang kailang eroplano ay mag-aalok ng libreng transport para sa relief good patungong Japan sa pamamagitan ng “space-available basis.” Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply