DFA tuloy sa paglilikas ng mga Pinoy sa Tokyo

PATULOY ang isinasagawang pagmomonitor ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa radiation activity sa Japan kasunod ng iba’t ibang pangyayari sa Fukushima Daiichi nuclear power plant sa Japan.

Ligtas pa rin ang Pilipinas sa radiation threat sapagkat palayo pa rin sa bansa ang ihip ng hangin galing sa nasabing bansa.

Sa opisyal na ulat, may 8,133 na ang naitalang namatay sa naganap na lindol at pananalasa ng tsunami, samantala umabot na sa 12,272 katao ang nawawala.

Kaugnay nito ang Philippine Embassy sa Tokyo ay nakapagpadala na ng cosular mission sa Fukushima prefecture para ilikas ang mga Filipino na nagpahayag ng kanilang pagnanais na mailipat sa Tokyo.

Batay sa ulat ng DFA, nailipat na sa Nihommatsu Interchange sina Nena Umehara, 44, Lilian Umehara, 41; Airi Umehara, 17; Satomi Umehara, 16; Aiko Umehara, 15; Aika Umehara, 9; Jacqueline Kokubun, 41; Anabelle Kanno, 34  at Leonides Furukawa, 54.

Samantala iniulat ng DFA na nailipat na rin sa Fukushima West Interchange sina Melinda Kato, 46; Leonora Kaga, 39; Manami Kaga, 2; Magdalena Sato, 37; Myrna Ishikawa, 51; Wilma Saito, 43; Chosei Saito, 55; Yukinari Saito, 9; Yuka Saito, 9 sa Fukushima Kencho naihatid na sina Mering Sasaki, 40; Megumi Sasaki, 12; Lourdes Ouchi, 45; Manami Ouchi, 8; Misaki Ouchi, 6; Maria Theresa Rivera Tanno, 45; Risa Tanno, 20; Lylani Otara, 46; Anet Sato, 34; Rina Sato, 3; Nora Shimoyama, 41; Yurio Shimoyama, 18; Narumi Shimoyama, 16; Miho Shimoyama, 13; Anabelle Y. Kuwashima, 37; Hironori Kuwashima, 11; Reina Kuwashima, 9; Anna Kuwashima, 8; Evelyn Pabio Hayashi, 35; Yuya Hayashi, 35; Masaya Hayashi, 7; Isabel Marinay, 42; Babes Marinay,7; Kirby De Leon, 20 at Norie Fe T. Ishihata, 42.

Samantala naihatid na rin sa Koriyama sina Aubrey Akiyama, 34; Yusuke akiyama, 8;Yuji akiyama, 3; Yua akiyama, 6 mos; Eunice ponteres, 21; Rosario sakuma, 47; Gay kanazawa, 30; Kanji kanazawa, 2; Akira Kanazawa, 10 mos; Joaquin calugan, 40; Yasuko Anzai, 40; Reika Calugan, 10; Risa Calugan, 7; Kohei Calugan, 6 at Julia Calugan, 2 Sa Fukushima at  Sendai umabot sa 43 na ang nalikas ng DFA habang patuloy pang nagsasagawa ang ahensya ng paglilikas ng Filipino sa Tokyo. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply