DFA: Walang inisyung travel docs para kay Ping

SAAN kaya nanggaling ang travel documents na ginamit ng nagtagong senador na si Panfilo Lacson?

Ito ang katanungan ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos iulat na wala silang inisyung travel papers para sa senador.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Ed Malaya, nagsagawa sila ng pagsusuri mula sa Philippine consulates sa Macau, Xiamen at Hong Kong at wala umanong inisyu na travel documents ang naturang mga tanggapan sa mambabatas.

“The DFA made inquires with Philippine Consulate General officials in Hong Kong, Xiamen and Macau. They stated that the travel document used was not issued by them,” ayon sa ulat ni Malaya.

“Also travel document no. 34258 was not in the inventory of the Consulate General in Macau. The DFA is making further inquires in the matter.”

Nilinaw din ng Bureau of Immigration (BI), walang ginamit na pasaporte si Lacson sa kanyang biyahe mula Hong Kong papuntang Mactan-Cebu International Airport noong Marso 26.

Una rito, sinabi ni Atty. Maria Antoinette Bucasas-Magrobang, immigration spokesperson, na noong Marso 24 ay nakakuha umano ng travel papers si Lacson sa Philippine consulate sa Hong Kong.

Inihayag na rin ng DFA na iniimbestigahan na nila ang tungkol sa bagay na ito. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply