‘Di binilhan ng laruan nanay inutas ng anak

UTAS ang isang nanay nang pagsasaksakin ng kanyang anak na may diperensya sa pag-iisip makaraang hindi pagbigyan sa kanyang gusto sa Barangay Mira, Bantay, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Teresita Pescador, 62, habang ang suspek ay si Alejandro Pescador, 35.

Sa report, sumama ang loob ng suspek nang hindi pinagbigyan ng kanyang nanay na ibili ng laruan.

Dahil dito, kumuha ng patalim ang suspek saka pinagsasaksak sa leeg ang kanyang ina.

Nasa pangangalaga na ng DSWD ang batang Pescador. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply