‘Di kailangan ng special session para sa impeachent, ARMM election postponement

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para magpatawag ng special session para talakayin lang ang impeachment case laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez at upang maipasa ang panukalang batas na magpapaliban sa ARMM elections sa Agosto.

Sinabi ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III na ang impeachment complaint ay isang isang trial na kailangang dumaan sa proseso at hindi sa mabilisang pamamaraan.

“The special session I think is not necessary for the impeachment. It is a trial, they will have to proceed at the pace that is dictated by the Constitution. ‘Yung sa ARMM, there is some urgency to it,” ayon sa Pangulo.

Sakaling matapos ng Senado ang deliberasyon at maipasa ang nasabing batas ay isang positibong development aniya ito sa kanila.

“If they are unable to finish, then with consultations with the leadership of both chambers, we will reiterate that there is an urgency because the elections are by August. But I’m reasonably confident that the Senate would be able to finish without the need for a special session,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply