‘Di nagbigay ng pang-toma, nanay nilamog ng anak

BUGBOG sarado ang isang ina at tangka pang saksakin ng gunting ng kanyang sariling anak nang hindi bigyan ng perang pang-inom ng alak sa Caloocan City.

Nakakulong na si El Merande, 19, ng Phase 3C, Dagat-dagatan, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng nanay na si Elizabeth, dakong 12 ng tanghali nitong Sabado nang humingi ng pera ang suspek para pang-inom pero dahil wala siyang pera ay hindi niya umano nabigyan ang anak.

Dahil dito ay nagalit ang suspek kaya binugbog ang kanyang ina bago kumuha ng gunting at tinangkang saksakin si Elizabeth.

Hindi naman nasaksak ang biktima nang agad maawat ng ilang kamag-anak.

Nadakip ang suspek nang rumesponde ang mga barangay tanod sa lugar. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply