Diarrhea outbreak sa Isabela, idineklara

NAGDEKLARA ng diarrhea outbreak ang lungsod ng Isabela sa Basilan.

Ayon kay City Health Officer Dr. Rafael Cabug, umabot na ng 213 kaso ang naitala ng kanyang tanggapan hanggang kahapon, Marso 3, subalit wala pa namang naiulat na nasasawi.

Dahil dito, ipinag-utos ni Cabug sa mga residente na pakuluan muna ang tubig bago inumin para makaiwas sa sakit.

Ang mga tinamaan ng sakit ay galing sa 24 barangay ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang pagsusuri ng Isabela Water District (ISAWAD), mayroong dalawang pipeline na kontaminado na ng ecoli bacteria kung saan naapektuhan ang mga barangay ng Sumagdang at Lanote na kakatapos pa lamang sumailalim sa pagkukumpuni.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang ISAWAD kung saan nagmula ang bacteria. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply