Direktor ng unibersidad suspendido sa panununtok

SINUSPINDE ng Office of the Ombudsman ang director of student affairs ng Isabela State University sa Echague, Isabela nitong Martes ng hapon dahil sa panununtok at bantang pagpatay sa isang estudyante noong 2008.

Ayon kay Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni, dapat parusahan si Saulo Aggabao dahil sa ipinakita niyang ugali.

Si Aggabao ay kinasuhan ni Danilo Bajit noong January 8, 2008.

Ayon kay Bajit. pinuntahan siya ni Aggabao sa bahay ng kanyang guardian na si Elpidio Domingo.

May dala umano itong baril at galit na nagsisisigaw ng: “No makitak dagidiay nga estudyantem Dr. Domingo ket paltupaltugak isuda” (Pag nakita ko ang estudyante mo, Dr. Domingo, babarilin ko sila).

Ani Bajit, nag-ugat ang away nila ni Aggabao noong Enero 13, 2008, napadaan siya sa palayan nina Aggabao sakay ng motorsiklo.

Hinarang umano siya ni Aggabao at sinuntok siya sa mukha.

Nagtangka rin umano si Aggabao na pukpukin siya ng bato sa mukha ngunit nakailag siya.

Bukod dito, pinagbantaan din umano siya nitong papatayin, pati na ang kanyang mga kaibigan at guardian.

Ayon kay Jalandoni, tatlong-buwang suspensyon na walang bayad ang parusa kay Aggabao dahil sa kanyang ginawa.

Agad naman itong ipinatupad ni Commission on Higher Education (Ched) Chairperson Patricia Licuanan matapos matanggap ng ChEd ang hatol.

Iniutos din ng OMB na sampahan ng kasong kriminal si Aggabao o kasong grave threat and slight physical injuries. Nenet L. Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply