Diskriminasyon sa AIDS carrier may kulong

BINALAAN ng isang kongresista ang ilang ahensya ng gobyerno na nagtataboy sa mga taong may taglay na AIDS.

Sinabi ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty na hindi makatwiran na makaranas ng diskriminasyon sa mga tanggapan ng gobyerno ang mga pinaghihinalaang nagtataglay ng ganitong karamdaman.

“We must stress that the blacklisting of any person due to his or her actual or perceived condition as an AIDS sufferer is one of the discriminatory acts considered illegal and punishable by law,” sinabi ni Ty.

Nagpaalala ang kongresista na sinumang magtataboy sa HIV patients ay maaaring mabilanggo ng hanggang apat na taon at magmumulta ng P10,000.

Inihalimbawa ng kongresista ang isang Filipino-Australian theater artist na pinagbawalan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok ng bansa dahil sa hinalang AIDS carrier ito.

Batay sa reklamo ni Marcelino Cavestany, pagdating niya sa Ninoy Aquino International Airport noong March 6 ay pinakitaan siya ng kautusan na blacklisted siya dahil sa pangambang manghawa lamang siya ng HIV sa bansa.

Ngunit makalipas ang dalawang araw ay tinanggal din ng BI ang pangalan ni Cavestany sa immigration blacklist.

Nakasaad sa Section 37 ng AIDS Prevention and Control Act, na “The freedom of abode, lodging and travel of a person with HIV shall not be abridged. No person shall be quarantined, put in isolation, or refused lawful entry or deported from Philippine territory on account of his/her actual, perceived or suspected HIV status.”

Kasabay nito ay iniulat ni Ty na may karagdagang 152 bagong kaso ng HIV nitong nagdaang Enero kung saan umaabot na sa 6,167 ang naitatala sa National AIDS Registry.

Si Ty ang may-akda sa House resolution na nagtutulak na repasuhin ang 1998 AIDS Prevention and Control Law upang mabigyan ng daan ang panibagong pamamaraan ng pagsugpo sa nakahahawang sakit na nabanggit. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply