Displaced OFWs prayoridad sa 25,000 jobs abroad

PRAYORIDAD ang mga apektado at umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa kaguluhan sa Libya sa 25,000 trabaho sa ibang bansa, maging sa 2,500 hanapbuhay na naghihintay sa Pilipinas.

Sa ulat ni Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz kay Pangulong Benigno S. Aquino III, bahala ang mga inilikas na migranteng manggagawang Pinoy kung overseas o local employment ang kanilang subukang pasukan, basta ang mahalaga aniya ay sila ang uunahin para mabigyan ng panibagong pagkakataon.

“Overseas Filipino workers (OFWs) who were repatriated from Libya who would decide to go abroad will be re-hired and prioritized for overseas employment, with livelihood programs and local jobs for those who opt to stay in the country,” ayon kay Baldoz.

Idinagdag pa ng Kalihim na sa kanyang pakikipag-pulong sa mga lisensyadong recruitment agencies, nagpahayag ang mga ito na kanilang priority na muling mabigyan ng trabaho sa labas ng bansa ang OFWs na inilikas palabas ng Libya.

Maliban dito, sinabi pa ng DOLE Secretary na nakahanda na rin ang National Reintegration Center for OFWs (NCRO) na magbigay ng mga kaukulang tulong na makahanap ng trabaho sa Pilipinas o makapagsimula ng sariling negosyo para sa mga tinamaang migrante Pinoy.

Kabilang sa mga nakipag-ugnayan kay Baldoz ang 28 land-based at apat na sea-based international manpower agencies na nangangailangan ng 25,000 propesyunal, technical, skilled at semi-skilled na manggagawa.

Nandyan din ang 12 local employers, na sa pamamagitan ng DOLE-NCR PAMAMARISAN Field Office at ng Public Employment Service Office (PESO) ay pagmumulan ng 2,500 local jobs para sa naturang OFWs. Axel Sam

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply