DOH: No permit, no product policy sa Japanese products

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na mahigpit nilang ipinatutupad ang “no permit no product policy” sa mga pagkain na mula sa Japan.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ito ay bahagi na rin nang ginagawang pag-iingat ng pamahalaan hinggil sa posibilidad na kontaminado ng radiation ang mga pagkaing mula sa naturang bansa.

Kasabay nito, tiniyak ng health official na nananatili silang nakaalerto sa pagmo-monitor ng mga pagkain na pumapasok sa bansa na galing sa Japan.

Ani Tayag, papayagan lamang nila ang mga pagkaing may clearance na nagsasabi na ito ay ligtas na kainin.

Patuloy rin aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Quarantine, Department of Agriculture (DA), at Bureau of Customs (BOC) hinggil sa pagmo-monitor ng mga dumarating na pagkain sa bansa partikular na sa mga frozen meat, isda, gulay, gatas at iba pang agricultural products mula sa Japan.

Samantala, kaugnay nito nagbabala naman si Agnette Peralta, direktor ng Bureau of Health Devices and Technology ng DOH, na napakadelikado at maaaring makamatay ang pagkain ng labis na dami ng asin. Kyle Gatus

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply