DOJ tatalima sa desisyon ng korte na bawiin ang aresto kay Lacson

NAKAHANDA ang Department of Justice (DOJ) na bawiin ang utos na pagtugis o pag-aresto kay Senador Panfilo Lacson.

Iyan ay sa oras na makuha na ni Justice Secretary Leila de Lima ang resolusyon ng Court of Appeals (CA) na nagsasabing immediately executory ang naunang kautusan ng CA na pagbawi sa mandamyento de aresto na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court laban sa Senador.

Sa nasabing resolusyon na may petsang March 18, 2011 ay ibinasura rin ng CA ang motion for reconsideration na inihain ng gobyerno na humihiling na baligtarin ang naunang pabasura ng CA sa kasong murder laban kay Lacson na akusado sa Dacer-Corbito double murder case.

Sinabi ni de Lima na wala siyang ibang mapagpipilian kundi igalang ang resolusyon ng Court of Appeals.

Dahil doon, maaari na rin umanong lumantad si Lacson na nagsimulang magtago noong Enero ng nakalipas na taon ilang araw bago magpalabas ang hukuman ng warrant of arrest laban sa kanya.

Tatangkain umano ni de Lima na makakuha ng kopya ng resolusyon nang sa gayon ay mapag-aralan na nila ang susunod nilang magiging hakbang. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply