DOLE Task Force Middle East pinalakas

DINOBLE pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagmonitor sa Gitnang Silangan partikular na sa Libya.

Nabatid kay Labor Secretary Rosalinda-Baldoz na dinagdagan pa nila ang bilang ng mga naka-assign sa Dole Task Force Middle East .

Ang dagdag na puwersa sa crisis monitoring center ng task force ay nagmula sa Philippine Overseas Labor Office kung saan naka-24/7 monitoring and assessment mode.

Ang ground team ng task force ng pamahalaan ay mas pinalakas na rin para pangasiwaan ang mga nagsisilikas na Overseas Filipino Workers sa Libya-Egypt border.

May mga welfare officers ding idinagdag ang pamahalaan sa Middle East teams na nakaposte sa Tunisia, Cairo, Malta, Yemen, Bahrain at Greece kung saan nagtutungo ang mga  tumatakas na OFW dahil sa kaguluhang nagaganap sa bansang Libya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply