Domestic flights sa Bicol region kinansela

KINANSELA ang pitong domestic flight papunta at paalis ng Bicol region bunsod ng masamang panahon na nararanasan sa rehiyon.

Nagpadala na ng flight advisory sa  Media Affairs Division ng Manila International Airport (MIA), na nagsasaad na kinansela ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang flight PR 728 mula Legazpi paluwas ng Maynila, ika-9 ng umaga ng Huwebes, Marso 3.

Una nang kinansela ang flight PR 727 ng PAL kaninang 6:00 ng umaga papasok naman ng  Legazpi.

Kanselado rin ang Cebu Pacific flights na 5J 325 na patungong Legazpi kaninang 6:00 ng umaga at ang return flight nito na 5J 326 kaninang 8:25 ng umaga.

Bukod dito, kinansela rin ang biyaheng Naga-Manila flight na 5J 522 kaninang 8:45 ng umaga.

Tigil na rin ang biyahe ng 2P 925 at 2P 926 na biyahe ng Air Phil Express na Manila-Legazpi-Manila flights kaninang 8:40 ng umaga at 11:10 ng umaga. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply