Donaire balik-Pinas

DUMATING na ng bansa si newly crowned WBC/WBO bantamweight champion Nonito Donaire Jr.

Si Donaire na lulan ng Philippine Airlines flight mula Los Angeles ay mananatili sa bansa ng tatlong linggo.

Ayon kay Donaire, babalik na rin siya pagkatapos ng ilang linggo sa Estados Unidos para naman paghandaan ang susunod niyang laban.

Inaayos na ang unification showdown nila ni WBA “super” 118-pound titlist Anselmo Moreno ng Panama.

Natuklasan na ang inaabangan na ring bakbakan ng dalawa ay sasabog sa Oakland sa darating na May 28.

Nang dumating ng airport ay dinumog ng mga tao si Donaire at habang isinusulat ito ay magkakaroon ng programa sa Maynila para sa hero’s welcome. Gilbert Perdez (Photo by Jerry Tan)

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply