Donaire balik-Pinas

DUMATING na si World Boxing Council at World Boxing Organization Bantamweight Champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. kaninang medaling-araw lulan ng Philippine Airline PR-103 flight.

Lumapag sa bansa ang kanyang sinasakyan bandang bandang 5:30 na nakasuot ng itim na jacket at nakasombrero ng puti.
Sumalubong sa kanya si Manila Mayor Alfredo Lim, at ang Manila City Band.

Ibinandera ni Nonito ang kanyang dalawang belt nagbigay ng
karangalan sa bansa makaraang patulugin niya ang matinik na si Fernando
Montiel ng Mexico nito nakaraang Pebrero 20, 2011.

Kasalukuyan na nagmo-motorcade sa buong Maynila ang no. 3 pound for pound fighter kasama si Mayor Lim at iba pang mga lokal na opisyal. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply