Donaire ihahabla ng ama

LALO pang lumalim ang iringan sa pagitan nina WBC/WBO bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. at amang si Nonito Donaire, Sr. matapos magpahayag ang huli na ihahabla ang anak ng kasong libelo.

Kasalukuyang nakikipag-usap si Nonito Sr. upang ihanda ang kasong isasampa laban sa kanyang anak at asawa nitong si Rachel sa California.

“Patuloy akong sinisiraan kaya sasampahan ko na sila ng kaso. Napakasakit sa akin ang sinabi ng anak ko na magpapalit na siya ng kayang pangalan dahil may gumagamit ng kanyang social security,” ayon sa naghihinanakit na ama.

“Sino ang pinariringgan niya na magnanakaw? Ako, dahil magkapangalan kami? Sobrang sakit ng ginagawa ni Junjun sa amin ng nanay niya. Hindi na kaya ng puso ko. Magkikita na lang kami sa korte,” ayon sa matandang Donaire.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply