DONAIRE JR. SOBRA ANG YABANG!

SOBRA na umano ang laki ng ulo o ang yabang ni WBO/WBC Nonito Donaire Jr. dahil sa napakaraming maling desisyong ginagawa nito partikular sa pakikipag-away sa sariling ama pati na sa media kasama pa padalos-dalos na paglipat sa ibang promoter.

Nitong nakaraang araw, sumiklab ang away at demandahan sa pagitan ni  Donaire at kanyang boxing promoter na si Top Rank Promotion Bob Arum dahil sa pagpirma at paglipat nito sa Golden Boy Promotion ni Oscar de la Hoya sa kabila na may kontrata pa siya sa una.

Matagal nang sinasabi ni Nonito Donaire Sr., ama ni Donaire Jr., na ang asawa ng boksingero na si Rachel Donaire ang umiimpluwensiya sa  boksingero upang lalo silang magkagulo o mag-away ng anak.

Ganun din si Arum na sinisi rin si Rachel na siyang nasa likod ng padalos-alos na paglipat at pagpirma ng kontrata ng boksingero sa Golden Boy dahil umano sa pagka-inggit kay pound for pound King Manny Pacman Pacquiao.

Nagkaroon rin ng matinding iringan ang media at si Donaire kung saan tinakot pa ng boksingero na makatitikim ang media ng kanyang “Sonic Boom” punch na natikman ni Fernando Montiel sa kanilang laban.

Ayon kay Rachel, mas priyoridad ng Top Rank si Pacman at nabigo si Arum sa pangako nitong tatlong laban kada-taon para kay Donaire, kaya sila nagdesisyong tumalon sa ibang promoter.

“Bad influence si Rachels kay Donaire, at isang “absolutely stupid move” ang ginawa ni Donaire na paglipat sa Golden Boy dahil hindi nya basta na lamang papayagan ang ganitong hakbang na ginawa na rin ng Golden Boy noon kay Manny Pacquiao.

Nanindigan naman si Donaire na si Arum ang unang lumabag sa kanilang kontrata at tama lang ang kanyang ginawa. Sinabi rin niya na nakipagbati na siya sa ama kaya tapos na ang problema nila sa pamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply