Donaire kukunin uling trainer ang ama

PINAG-AARALAN na umano ni Nonito Donaire, Jr. ang muling pagkuha ng serbisyo ng kanyang amang si Nonito Sr. bilang trainer dalawang araw matapos mabura ang halos tatlong taong lamat sa relasyon ng mag-ama.

Matatandaan na si Nonito Sr. ang nagpakilala sa “Filipino Flash” sa mundo ng boksing lalo na noong amateur pa lamang ito hanggang sa maging professional.

Ang ama rin ang naging head coach ng anak nang matamo ang 5th round knockout win kay dating undefeated champion Vic Darchinyan noong 2007.

Ang pinakahuling panalo ni Nonito Jr. ay kay Mexican champion Fernando Montiel na bumagsak sa ikalawang round lamang para itanghal siyang World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion.

“I’m always thankful of my dad for making me who I am,” ayon kay Nonito Jr. na mangiyak-ngiyak.

Subalit ayon sa mga sources, hindi pa malaman ni Nonito Jr. kung paano niya tatapatin si Roberto Garcia, ang current coach niya ngayon, na ikinu-konsidera na niya ang muling pagbabalik sa piling ng mahal na ama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply