Donaire-Moreno fight kasado na

KUMPIRMADO nang tuloy ang unification bout nina WBC/WBO bantamweight champion Nonito “The Flash” Donaire at WBA bantamweight champion Anselmo Moreno ng Panama sa darating na Mayo 8.

Ito ang kinumpirma ni Bob Arum, Top Rank promoter.

Aniya, maaaring ganapin sa Oakland Coliseum sa California ang Donaire – Moreno world bantamweight unification bout sa Mayo 8.

Ayon pa kay Arum, kahapon, Marso 1 (petsa sa Pilipinas) ay hinihintay nila  ang kumpirmasyon ng eksaktong araw sa buwan ng Mayo mula sa HBO bago selyuhan ang laban.

Noong nakaraang Donaire-Montiel fight ay nanood si Moreno sa ringside at nasaksihan niya kung paanong gapiin ng Pilipinong boksingero ang Mehikanong si Fernando Montiel sa loob lamang ng dalawang round.

Dahil dito, nagpahayag ng interes si Moreno na labanan ang Filipino world champion para pag-isahin ang korona sa bantamweight division.

Si Moreno  sa edad na 25 ay may record na 30-0-1, at 10 dito ay via technical knockout (TKO).

Nasungkit niya ang WBA bantamweight title kay Wladimir Sidorenko noong Mayo 2008 via 12 round unanimous decision, ang boksingerong pinatumba ni The Flash sa loob lamang ng apat na rounds.

Samantala, sa darating na Lunes ang nakatakdang pagbabalik ni Donaire sa bansa. Una nang naibalita na naghahanda na ng victory party para sa kanya ang lokal na pamahalaan ng General Santos City. Remate Online

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply