Donaire nanalo sa Senado

PANALO na naman si Filipino boxing champion Nonito “The Flash” Donaire Jr. matapos tumulak ng dalawang resolution ang Senado na kumikilala sa giting ng Pinoy pug.

Ang pagkilalang ito ng mga mambabatas ay kasunod ng pagkakasikwat ni Donaire ng dalawang korona ni Mexican boxer Fernando Montiel sa bantamweight division.

Ang Senate Resolutions 387 at 391 ay kumikilala kay Donaire sa pagkakakuha niya ng World Boxing Council at World Boxing Organization bantamweight crowns sa pagbigwas kay Montiel via technical knockout sa second round noong Peb. 19 sa Las Vegas, Nevada.

Kahanay na ngayon ni Donaire sina eight-division world champion Manny Pacquiao, WBO minimumweight champion Donnie Nietes at lady world champ Ana Julaton bilang current Filipino world titlists. Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply